Search: Title, Artist or Lyric  

Subscribe for Newsletter!

Kumanta.com is dedicated to provide you with the latest opm pinoy music lyrics as well as lyrics from other countries. Visit the Kumanta Forums or Kumanta Multiply site and get to know the cool people of Kumanta.com!


Ngiti

Ronnie Liang



Minamasdan kita ng di mo alam
Pinapangarap kong ikaw ay akin
Mapupulang labi at
Matingkad mong ngiti
Umaabot hanggang sa langit

Wag ka lang titingin sa akin at
Baka matunaw ang puso kong sabik

Sa iyong ngiti ako’y nahuhumaling
At sa tuwing ikaw ay gagalaw
Ang mundo’y tumitigil
Para lang sayo ang awit ng aking puso
Sana’t mapansin mo rin ang lihim kong pagtingin

Minamahal kita ng di mo alam
Huwag ka sanang magagalit
Tinamaan yata talaga ang aking puso
Na dati’y akala ko’y manhid
Di pa rin makalapit
Inuunahan ng kaba sa aking dibdib

Sa iyong ngiti ako’y nahuhumaling
At sa tuwing ikaw ay lalapit
Ang mundo’y tumitigil
Ang pangalan mo, sinisigaw ng puso
Sana’y madama mo rin ang lihim kong pagtingin

Sa iyong ngiti ako’y nahuhumaling
At sa tuwing ikaw ay gagalaw
Ang mundo’y tumitigil
Para lang sayo ang awit ng aking puso
Sana;t mapansin ay mo rin ang lihim kong pagtingin…

Sa iyong ngiti…







-azzir*

Other lyrics by Ronnie Liang :
Gusto Kita
Ngiti
Ngiti ®
Salamat Sayo Ina